Batang lalaki patay nang makuryente sa pailaw sa basketball court sa Quezon | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Batang lalaki patay nang makuryente sa pailaw sa basketball court sa Quezon

ABS-CBN News
Published Dec 14, 2022 09:06 PM PHT

Nasawi ang isang 10 taong gulang na batang lalaki matapos makuryente sa improvised lighting sa paliga ng basketball sa isang barangay sa Lopez, Quezon noong Lunes ng gabi.

Ayon sa report ng Lopez police, dakong alas-10 ng gabi, nasa kasagsagan ng panonood ng laro ang biktima sa liga ng basketball sa Barangay Banabahin Ibaba nang bigla na lamang itong mangisay.

Napahawak pala ang biktima sa nakalaylay na talop ng kawad ng koryente na kinakabitan ng ilaw na ginagamit sa basketball court.

Nagtamo ito ng mga sugat sa kamay at binti at nasawi bago pa man makaraing sa ospital.
Nagtamo ito ng mga sugat sa kamay at binti at nasawi bago pa man makaraing sa ospital.
ADVERTISEMENT
Iniimbestigahan pa ng Lopez police ang pangyayari at inaalam kung sino ang dapat managot sa insidente.

- ulat ni Ronilo Dagos
- ulat ni Ronilo Dagos
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT