Pagtama ng Bagyong Odette pinaghahandaan na | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

News

Pagtama ng Bagyong Odette pinaghahandaan na

Pagtama ng Bagyong Odette pinaghahandaan na

ABS-CBN News

 | 

Updated Dec 14, 2021 08:17 PM PHT

Clipboard

Isang coastal community sa Barangay San Juan, Surigao City, Surigao del Norte. Naghahanda na ang pamahalaang lungsod sa inaasahang pagtama ng Bagyong Odette sa kanilang lugar. ABS-CBN News
Isang coastal community sa Barangay San Juan, Surigao City, Surigao del Norte. Naghahanda na ang pamahalaang lungsod sa inaasahang pagtama ng Bagyong Odette sa kanilang lugar. ABS-CBN News

(UPDATE) May mga hakbang nang inilatag ang ilang local government unit (LGU) para sa inaasahang pagtama ng Bagyong Odette ngayong linggong ito.

Sa Surigao del Norte, nagpatawag na ng pulong ang provincial disaster reduction and management council sa iba't ibang ahensiya ng gobyerno para mapaghandaan ang bagyo.

Ayon kay Surigao City Mayor Ernesto Matungas Jr., sisimulan sa umaga ng Miyerkoles ang puwersahang paglikas sa mga residente sa lungsod na nakatira sa tabingdagat at mga landslide-prone area.

Tinatayang nasa 2,000 hanggang 3,000 residente ang kailangan umanong ilikas.

ADVERTISEMENT

"Forced (evacuation) ito, tapos high tide pa bukas. Ayaw ko rin naman i-risk 'yong mga buhay ng mga rescuers namin, so we really have to get these people out of the area," ani Matungas.

Kabilang sa mga naghahanda ang residente na si Braulia Tabuco, na nag-empake na ng damit nila ng kaniyang asawa.

Kinakabahan umano si Tabuco, na nakatira malapit sa dagat, dahil naaalala pa umano niya ang mga karanasan sa mga nakaraang matinding bagyo.

Sa Butuan City, nakahanda na ang mga water rescue asset ng search and rescue team ng Agusan del Sur.

Inabisuhan na rin ang mga nakatira sa mga mababang lugar na maghanda sa posibleng pagtaas ng tubig.

Watch more in iWantv or TFC.tv

Nagsuspende naman ng klase sa ilang lugar sa Misamis Oriental at Davao de Oro ngayong Martes hanggang Miyerkoles dahil sa patuloy na pag-ulan at banta ng bagyo.

Pinalikas na rin ang mga residente sa 5 barangay sa Gingoog City, Misamis Oriental dahil sa pagbaha.

Sa Silago, Southern Leyte, nag-ikot ang mga tauhan ng disaster office sa mga barangay para abisuhan ang mga residente na maging alerto sa paparating na bagyo.

Pinayuhan din ng lokal na pamahalaan ang mga mangingisda na huwag na munang pumalaot.

Kinansela naman ng regional disaster council ang lahat ng land travel sa Eastern Visayas, epektibo nitong alas-8 ng umaga ng Martes.

Sakop ng kanselasyon ang biyahe ng mga magmumula sa Luzon at Mindanao.

Layon umano ng kanselasyon na maiwasan ang pagdami ng mga stranded na tao at sasakyan sa mga pier dahil sa inaasahang pagkansela ng mga biyahe ng barko, sabi ng Office of Civil Defense sa Eastern Visayas.

Suspendido na rin ang mga biyahe patungong Visayas at Mindanao, at Catanduanes at Masbate.

Ayon naman kay Cabinet Secretary Karlo Nograles, may higit P951 milyon standby fund na inihanda ang Department of Social Welfare and Development para sa mga maaapektuhan ng bagyo.

Nauna nang sinabi ng PAGASA na maaaring itaas ang Signal No. 3 sa ilang bahagi ng bansa kapag pumasok ang bagyo — na kasalukuyang may international name na "Rai" pero bibigyan ng lokal na pangalang "Odette" — pagpasok sa Philippine area of responsibility.

Inaasahang magla-landfall ang bagyo sa Eastern Visayas o Caraga region sa hapon o gabi ng Huwebes, ayon sa PAGASA.

— Ulat ni Dennis Datu, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.