Philippine Eagle sinagip ng DENR sa Sarangani

Jay Dayupay, ABS-CBN News

Posted at Dec 14 2019 07:26 PM | Updated as of Dec 14 2019 08:37 PM

Ang babaeng agila ay may bigat na 5 kilo, may habang 15 pulgada, at 1 metro ang wingspan. Pinangalanan itong "Maasim Pride". Photo courtesy: Monkasa Kamal Molod

MAASIM, SARANGANI—Sinagip ng mga awtoridad ang Philippine Eagle na natagpuan sa bayang ito, Sabado ng umaga.

Agad na sinagip ng Protected Area Management Biodiversity Conservation Section ng Department of Environment and Natural Resources ang agila na pinagalanang "Maasim Pride" matapos itong matagpuan ng mga residente ng Barangay Lumatil.

Tila napapagod at nahihirapan ang agila nang makita ito, ayon sa mga residente.

May bigat itong 5 kilo, may habang 15 inches, at wingspan na nasa 1 metro.

Isasailalim sa pagsiyasat ang agila, na inilagay na sa kustodiya ng Philippine Eagle Foundation sa Davao City.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.