DSWD: Huwag ipagsapalaran ang buhay para sa ayuda | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

DSWD: Huwag ipagsapalaran ang buhay para sa ayuda

DSWD: Huwag ipagsapalaran ang buhay para sa ayuda

Job Manahan,

ABS-CBN News

Clipboard

Nakatanggap ng ayuda mula sa DSWD ang mga residenteng pansamantalang nakatira sa Abra Provincial Capitol grounds nitong July 28, 2022, isang araw matapos tumama ang isang 7.0 magnitude na lindol sa lalawigan. Jonathan Cellona, ABS-CBN News
Nakatanggap ng ayuda mula sa DSWD ang mga residenteng pansamantalang nakatira sa Abra Provincial Capitol grounds nitong July 28, 2022, isang araw matapos tumama ang isang 7.0 magnitude na lindol sa lalawigan. Jonathan Cellona, ABS-CBN News

MANILA — Nanawagan ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ngayong Martes sa mga kukuha ng ayuda na huwag itaya ang kanilang kaligtasan para sa naturang tulong, lalong-lalo na kung masama ang panahon.

Pauwi na sana mula sa pagkuha ng ayuda ang 8 indibidwal, kabilang ang isang bata, nang masawi sila matapos tangayin ng rumaragasang baha ang sinasakyan nilang jeep sa Tanay, Rizal nitong Sabado ng gabi.

"Sa ating mga beneficiaries o mga would-be beneficiaries, kung may nakikita tayong peligro sa papunta o pabalik galing sa ating mga payouts, wag na po sana nating ipagsapalaran ang ating kaligtasan, ang ating buhay," sabi ni DSWD Spokesperson Romel Lopez.

"Huwag po tayong matatakot kung mali-late man tayo sa payout... We have this mechanism in place po para po to make sure na mapagbigyan po namin kayo kung hindi po kayo makakarating sa ating mga payout na may sapat namang dahilan," aniya sa isang public briefing.

Dagdag ng opisyal, pinag-iisipan na rin ng ahensya na ipagpaliban ang pamamahagi ng ayuda sa mga lugar na nakakaranas ng sama ng panahon.

ADVERTISEMENT

"Ito pong mga payouts na ito ay hinihintay ng ating mga beneficiaries o ng ating mga clients, pero dapat din po nating siguraduhin ang kaligtasan nila, ng mga tatanggap po ng mga tulong na ito ng pamahalaan and at the same time, iyong safety rin po ng atin pong mga social worker naman na tutulong po sa pamamahagi ng mga ayudang ito," ani Lopez.

Nakatanggap aniya ng P20,000 na financial aid mula sa DSWD at lokal na pamahalaan ang pamilya ng mga nasawi sa aksidente sa Tanay nitong weekend.

May matatanggap namang P5,000 ang mga sugatan sa insidente, at mayroong ding psychosocial counseling.

Watch more News on iWantTFC


ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.