8 patay matapos tangayin ng baha ang sinasakyang jeep | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

8 patay matapos tangayin ng baha ang sinasakyang jeep

8 patay matapos tangayin ng baha ang sinasakyang jeep

ABS-CBN News

 | 

Updated Dec 11, 2022 07:40 PM PHT

Clipboard

Watch more News on iWantTFC

Video courtesy of Michael Baylon

MANILA — Hindi bababa sa 8 ang patay matapos tangayin ng rumaragasang baha ang sinasakyan nilang jeep sa Tanay, Rizal nitong Sabado ng gabi.

Karamihan sa mga nasawi ay mga senior citizen at mayroon ding isang bata.

Kuwento ng residenteng si Michael Baylon, sakay ng naturang jeep ang mga senior citizen na kakakuha lang ng kanilang ayuda mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa kanilang bayan.

Dalawang jeep ang nirentahan ng mga biktima mula sa kanilang barangay na dalawang oras ang layo ng biyahe mula sa bayan.

ADVERTISEMENT

Watch more News on iWantTFC

Mababaw pa umano ang ilog na nasa Barangay Sta. Ines noong pauwi na sila. Ligtas pa ngang nakatawid ang naunang jeep.

Ngunit pagkatapos tumawid ng unang jeep, bigla umanong rumagasa ang tubig sa ilog at natangay nito ang pangalawang jeep.

Agad namang rumesponde ang mga residente ng barangay nang makitang nakatagilid na ang jeep sa gitna ng baha.

Nasa covered court ng barangay ang anim sa mga bangkay, habang dalawa ang nakuha na ng kanilang mga kaanak.

Sa ngayon, may dalawa ring pinaghahanap ang mga awtoridad na tinangay umano ng baha.

— Ulat ni Karen de Guzman, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.