Mga nagbebenta ng torotot umaaray sa COVID-19 pandemic | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Mga nagbebenta ng torotot umaaray sa COVID-19 pandemic

Mga nagbebenta ng torotot umaaray sa COVID-19 pandemic

ABS-CBN News

Clipboard

Umaaray ang ilang nagbebenta ng torotot sa COVID-19 pandemic ngayong nagpaalala ang Department of Health na iwasan muna ang paggamit ng torotot dahil sa banta ng COVID-19. ABS-CBN News

MAYNILA - Kilala ang Barangay 53 sa Tondo, Maynila bilang "Barangay Torotot" dahil ilang dekada nang negosyo ng mga residente ang paggawa at pagbenta nito.

Pero walang nagtuloy sa pagbebenta ngayong taon dahil sa pandemya sa barangay. Ayon sa gumagawa ng torotot na si Dolores Geronimo, malaking dagok sa industriya ang coronavirus disease (COVID-19) pandemic maging ang taas-presyo ng mga materyales.

"[Kapag] May, mag-iipon ka ng materyales. October, makakapag-deliver ka na. Diretso na ang paggawa. Wala nang pahinga," ani Geronimo.

"Sayang hindi kami kikita. Doon kami kumukuha ng pambili ng pagkain sa Bagong Taon. Kagaya niyan, magpa-Pasko, wala rin. Baka kaunting pagkain na lang.

ADVERTISEMENT

Sa kalapit na Barangay 51, itinuloy ng mag-asawang Edeluisa at Romeo Gacilo ang tradisyon ng paggawa ng torotot sa kabila ng mga hamon.

Apat na dekada na nilang ikinabubuhay ang paggawa ng torotot.

Pero dahil sa panawagan ng Department of Health na huwag na munang gumamit ng torotot ngayong Pasko at Bagong Taon para iwas-hawahan sa COVID-19, napilitan ang mag-asawa na itago na muna ang mga torotot, baka sakaling payagan na silang ibenta ang mga ito sa susunod na taon.

"I-stock na lang muna, hinto muna. Bawal muna ang torotot. Itatabi muna at puwede naman sa susunod ‘yan. Hindi naman masisira ‘yan. Dadagdagan na lang namin ‘yan,” ani Gacilo.

Una nang nagpaalala ang Department of Health na bawal ang paggamit ng torotot ngayong Pasko at Bagong Taon, sa paliwanag na maaaring magbuga ng droplets na magdudulot ng pagkalat ng virus ang paggamit ng torotot.

Pero nilinaw ng DOH na hindi naman ipinagbabawal ang pagbebenta nito.

"Sana ang DILG tumulong sa pag-reinforce ng pagpapaingay. Alam natin it can increase the load of the virus that can be expelled by the air sa taong andoon sa harap ng torotot," ani Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire.

Ngayong taon, mga alternatibong pampaingay na lang muna ang gagamitin ng ilang mamimili gaya ng tambol, kaldero, at alkansiya.

— Ulat ni Bianca Dava, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.