‘Santa Cops’ sinabayang rumonda ng COVID-19 mascots sa Calabarzon | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

‘Santa Cops’ sinabayang rumonda ng COVID-19 mascots sa Calabarzon

‘Santa Cops’ sinabayang rumonda ng COVID-19 mascots sa Calabarzon

Anjo Bagaoisan,

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Halos taon-taon nang gimmick ng pulisya ang tinaguriang “Santa Cops”, kung saan nagbibihis Santa Claus ang ilan sa kanila bilang pakikiisa sa Christmas season na may kasamang mga bilin para sa seguridad ng publiko.

Pero ngayong 2020, tila may kapareha si Santa Claus nang sabay-sabay ilunsad ng mga pulis ang kampanya sa iba-ibang bayan at lungsod sa Calabarzon o Region IV-A (kahapon/nitong Miyerkules).

Kasabay ng mga “Santa Cops” na nag-ikot sa iba-ibang mall ang kani-kanilang paglalarawan sa banta ng COVID-19.

May nag-ala-mascot na nagsuot ng mga drowing ng mga coronavirus gaya sa Tagaytay City at sa Quezon province.

ADVERTISEMENT

Sa Rizal, ginawa pang mukha ng pulis ang virus at tinawag na “Mr. COVID”.

Pinagsama naman ng ibang lugar ang personal protective equipment at mga paglalarawan sa COVID.

Paalala nila ito sa publiko na patuloy na sumunod sa mga health safety protocols gaya ng physical distancing at pagsuot ng protection para hindi kumalat ang sakit.

Namigay din ang mga pulis ng mga leaflet at flyer na may safety tips laban sa mga nambibiktima tuwing ganitong panahon tulad ng shoplifting, pickpocketing at basag-kotse.

Namahagi naman ang iba ng mga face mask. face shield, at pamaypay.

Bukod sa mga mall, nilibot ng mga pulis ang mga supermarket pati mga labas ng simbahan para sa kanilang information campaign.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.