Higit 50 bahay, naabo sa sunog sa Butuan | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Higit 50 bahay, naabo sa sunog sa Butuan

Higit 50 bahay, naabo sa sunog sa Butuan

ABS-CBN News

Clipboard

Umabot sa fourth alarm ang sunog na tumupok sa mahigit 50 bahay sa Butuan City noong Sabado ng gabi. Kuha ni Lorilly Awitan.

Mahigit 50 bahay ang naabo matapos sumiklab ang apoy sa Barangay Tandang Sora, Butuan City noong Sabado ng gabi.

Ayon sa Bureau of Fire Protection, aabot sa mahigit P1.7 milyon ang halaga ng pinsalang naidulot ng sunog, na umabot sa fourth alarm.

Sa tala ng lokal na pamahalaan, 63 pamilya o mahigit 200 indibiduwal ang apektado ng sunog.

Pansamantala munang pinatuloy ang mga apektadong residente sa barangay hall.

ADVERTISEMENT

Hindi pa matiyak ng mga awtoridad kung saang bahay nagsimula ang apoy, lalo na't dikit-dikit pa ang mga ito.

Nitong Linggo, bumalik ang ilang residente sa natupok na komunidad upang makuha ang mga kagamitang maaaring maisalba.

-- Ulat ni Lorilly Awitan, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.