2,000 overseas jobs alok sa POEA online job fair | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
2,000 overseas jobs alok sa POEA online job fair

ABS-CBN News
Published Dec 09, 2020 07:54 PM PHT

MAYNILA — Hunyo nang mapilitang umuwi sa Tacloban si Vincent Aldaba, na kusinero dati sa isang cruise ship, dahil sa pandemya.

Nagtinda sya ng pagkain sa probinsiya pero hindi ito sapat kaya ngayon, balik-Maynila siya para mag-apply at makasampa ulit ng barko.

"Kailangan po kasi para sa pamilya... Kahit wala pang kasiguraduhan ang vaccine, makipagsapalaran para makasampa," aniya.

Ayon naman sa isang manning agency, nakatakdang magbalik operasyon ng mga cruise ship sa Pebrero kaya puspusan ang hiring ngayon para makasampa ang mga crew sa Enero.
Marami kasi ang nabuhayan sa mga positibong balita tungkol sa COVID-19 vaccine. Pero magiging mahigpit ang deployment protocols para sa kaligtasan ng mga seafarer.

ADVERTISEMENT
"They will be tested and they will go through quarantine before they go on board... Ship owners are investing money so there is confidence," ani Miguel Rocha, president and CEO ng CF Sharp Crew Management Inc.

Ikinatuwa naman ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) ang unti-unting pagbangon ng cruise ship industry na kasabay rin ng unti-unting pagbubukas ng ibang bansa sa foreign workers.

Kaya para na rin matulungan ang mga nag-uwiang OFW na gustong makabalik sa trabaho, isang online job fair ang ikinasa ng POEA simula Huwebes, Disyembre 10, hanggang Biyernes, Disyembre 11.

Nasa 2,000 land-based job vacancies ang puwedeng apply-an mula sa 15 lisensiyadong recruitment agency.

"Karamihan dito mga factory workers ang hinahanap nila at kasama na rin 'yung mga [household workers]," ani POEA administrator Bernard Olalia.

Nilinaw naman ng POEA na hindi pa kasama ang mga health worker sa mga puwedeng mag-apply sa job fair.

Para naman makasali sa job fair, pumunta sa poea.gov.ph at i-click ang online services at manpower registry para sa e-registration.

Magbubukas ang online job fair alas-10 ng umaga Huwebes.

Magkakaroon ng isang link sa home page ng POEA website para mas madali itong makita.
—Ulat ni Zen Hernandez, ABS-CBN News

Read More:
PatrolPh
Tagalog news
balita
TV Patrol
TV PATROL TOP
cruise ship
job fair
overseas
trabaho
hanapbuhay
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT