Good news! Presyo ng petrolyo, matatapyasan

ABS-CBN News

Posted at Dec 09 2017 08:10 PM

Watch more in iWant or iWantTFC

Tinatayang matatapyasan ang presyo ng produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Maglalaro sa P0.20 hanggang P0.30 kada litro ang bawas sa presyo ng gasolina.

Nasa P0.10 hanggang P0.20 kada litro naman ang itatapyas sa presyo ng kerosene. 

Maaari namang walang galaw o may bawas na hanggang P0.10 kada litro sa presyo ng diesel.

Ito na ang ikalawang sunod na linggong may maliit na bawas sa presyo ng produktong petrolyo.

Tinatayang bawas-presyo sa susunod na linggo

Gasolina - P0.20 - P0.30/litro
Kerosene - P0.10 - P0.20/litro
Diesel - walang galaw - P0.10/litro

-- Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.