Caravan ng Marcos-Duterte tandem sa QC dinumog, nagdulot ng traffic | ABS-CBN
ADVERTISEMENT
![dpo-dps-seal](https://od2-image-api.abs-cbn.com/prod/Seal_Image_OD.png)
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Caravan ng Marcos-Duterte tandem sa QC dinumog, nagdulot ng traffic

ABS-CBN News
Published Dec 08, 2021 07:20 PM PHT
![Clipboard](https://od2-image-api.abs-cbn.com/prod/ClipboardNews.png)
MAYNILA — Sinimulan na ng tambalang Bongbong Marcos at Sara Duterte-Carpio ang pag-iikot sa Metro Manila nitong Miyerkoles, na umarangkada sa Quezon City.

Maaga pa lang, nagtipun-tipon na ang mga supporters ng tinaguriang "uniteam" sa harap ng gusali ng Commission on Audit sa Commonwealth Avenue.

Nang dumating sina Marcos at Duterte-Carpio para sa kanilang unang caravan sa Metro Manila, halos mapuno ang eastbound lane ng Commonwealth.

Higit 3 oras naipit ang motorcade sa Commonwealth at umabot ang traffic hanggang Quezon Avenue.
Higit 3 oras naipit ang motorcade sa Commonwealth at umabot ang traffic hanggang Quezon Avenue.
ADVERTISEMENT
"Traffic sa Sandiganbayan. Punong-puno kalsada. Maano kami sa pasahero hindi masyado ang pasahero tsaka mabagal ang takbo namin," ani Allan Silvosa, taxi driver.

"Ma-traffic nga dahil kay Bongbong... Okay lang po," ani Feliciano Erfe, jeepney driver.

Nakaabang naman sa dulo ng motorcade sa Welcome Rotonda ang iba pang mga supporter.

Pasado ala-1 na ng hapon nang marating ng motorcade ang Welcome Rotonda, ang last stop ng caravan.

Pero nadismaya ang ilang supporter dahil hindi na tumuloy ang mag-tandem doon.

Ang malakihang caravan na ito, hindi umano nai-coordinate nang maayos sa Quezon City LGU.

"Ikinalungkot ng lokal na pamahalaan na tila nag-bago ng isip ang organizer ng motorcade at tumangging makipag-coordinate sa lokal na pamahalaan, sa kabila ng pulong kahapon kung saan tiniyak ng lungsod ang pagpapakalat ng hindi bababa sa 1,000 pulis at tauhan," anila.

Humihingi na rin ng paumanhin at pang-unawa ang kampo ng uniteam sa mga motorista, byahero, pamahalaang lungsod at maging sa MMDA.

"Nagpapasalamat ang BBM-Sara uniteam sa mga tulong na inihanda ng pamahalaang lungsod sa pamumuno ni mayor Joy Belmonte... Hindi po kasi inaasahan ng mga naghanda sa nasabing okasyon na ma-overwhelm pa rin ang kanilang masinop at malawak na preparasyon sa dagsa ng mga taga-suporta," ani Vic Rodriguez.