Rehistrado para sa National ID, nasa 7.5 milyon na | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Rehistrado para sa National ID, nasa 7.5 milyon na

Rehistrado para sa National ID, nasa 7.5 milyon na

ABS-CBN News

Clipboard

Ayon sa pinakabagong datos ng Philippine Statistics Authority, nasa 7.5 milyon na ang rehistrado para sa PhilSys ID. ABS-CBN News

MAYNILA - Napilitang tumigil sa pagbebenta ng fishball si Rodora Repomanta dahil sa coronavirus disease (COVID-19) pandemic.

Nakahanap siya ng trabaho bilang cleaner sa isang call center, pero tumagal lang ito ng isang linggo.

Aminado si Repomanta na mahirap maghanap ng trabaho dahil sa dami ng requirements gaya ng ID.

"Halimbawa hanapan ka ng isa, dalawa, tatlo [ID], mahirap mag-apply. Kung nandiyan naman ang lahat, diyan na ako; sa mga bangko, sa remittance, marami po talaga," ani Repomanta.

ADVERTISEMENT

Nahihirapan din si Julie Yasay, housewife mula Bulacan, na kumuha ng remittance dahil isa lang ang kaniyang ID.

"Kukuha ka ng barangay ID, TIN ID, lalo na napakahirap sa munisipyo na kinukuha. 'Yung mga ID minsan 15 days," ani Yasay.

Umarangkada na ang first step registration para sa PhilSys National ID, kung saan kasama ang Bulacan. Aabot sa 9 milyon ang target na marehistro sa Step 1 ng PhilSys registration bago matapos ang 2020.

Kasama rito ang interview at pagkuha ng demographic information.

Sa Step 2, mahigit 5 milyon naman ang target na makakatuloy. Dito, kokolektahin ang biometric data tulad ng fingerprint at iris scan o pag-scan sa mata. Gagawin ito bago matapos ang taon.

Ang matitira, sa Enero 2020 na itutuloy.

Posibleng makuha na sa Enero ang PhilSys ID ang matatapos sa biometrics ngayong 2020.

Magkakaroon ng PhilID Card Number (PCN Number) at QR code ang ID na maaaring gamitin sa mga opisina ng gobyerno, mga bangko, at iba pang mga institusyon para masiguro ang pagkakakilanlan ng taong may hawak ng ID.

Puwede pa ring matukoy ang pagkakakilanlan ng isang tao sa PhilSys kahit wala ang ID, basta't alam ang PCN Number.

Ayon sa pinakabagong datos ng Philippine Statistics Authority, nasa 7.5 milyon na ang rehistrado para sa PhilSys ID

Nagkaroon naman ng problema sa 4 na probinsiya. Sa Camarines Sur at Albay naantala dahil tinamaan ito ng bagyong Rolly; ang Negros Oriental naman ay tinamaan ng bagyong Quinta, at kakulangan sa Internet ang hamon sa Tawi-Tawi na siyang pinakahuli sa lahat ng probinsiya sa Step 1 registration.

Inaasahan ng gobyerno at ng pribadong sektor na mapapadali ang pagbibigay ng serbisyo at ayuda sa publiko kapag may PhilSys ID na ang lahat.

— Ulat ni Warren De Guzman, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.