Lalaki nahulihan ng laruang baril sa Makati checkpoint | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Lalaki nahulihan ng laruang baril sa Makati checkpoint

ABS-CBN News
Published Dec 08, 2020 12:22 PM PHT

MAYNILA — Huli ang isang lalaking nakaangkas sa motorsiklo matapos makuhanan ng pekeng baril sa isang checkpoint sa Makati noong Lunes, sabi ng pulisya.

Ayon sa ulat ng Southern Police District (SPD), pinatigil sa Oplan Sita checkpoint sa Metropolitan Avenue, Barangay Tejeros ang motorsiklong may sakay na 2 tao.

Angkas ng motorsiklo, hinuli sa Oplan Sita checkpoint sa Makati dahil sa pagdadala ng baril na napag-alamang laruan pala
(📸: Southern Police District) pic.twitter.com/reimQcjnFv
— Anjo Bagaoisan (@anjo_bagaoisan) December 7, 2020

Habang hinihingan ng lisensiya at dokumento, napansin umano ng mga pulis na may nakaumbok sa baywang ng angkas na korteng baril kaya pinataas ang damit nito.

Doon umano nakita ang baril na kahawig ng kalibre .45 pero natuklasan kalauan na isa palang pellet gun.
Doon umano nakita ang baril na kahawig ng kalibre .45 pero natuklasan kalauan na isa palang pellet gun.
ADVERTISEMENT
Madalas ang kaso ng panghoholdap sa naturang lugar kaya nagsasagawa ng Oplan Sita sa mga motorcycle rider, ayon sa SPD.

Sa Las Piñas, nahuli noong Lunes ang isang lalaki sa may Marcos Alvarez Avenue, Barangay Talon Singko dahil sa pag-iingat ng baril.

Lalaki, inaresto sa checkpoint sa Las Piñas matapos mahulihan ng kalibre .22 na baril
(📸: Las Piñas City Police Station) pic.twitter.com/mTFw0UN14M
— Anjo Bagaoisan (@anjo_bagaoisan) December 7, 2020
Lalaki, inaresto sa checkpoint sa Las Piñas matapos mahulihan ng kalibre .22 na baril
— Anjo Bagaoisan (@anjo_bagaoisan) December 7, 2020
(📸: Las Piñas City Police Station) pic.twitter.com/mTFw0UN14M
Nakuha sa suspek ang kalibre .22 na baril.

Kakasuhan ang parehong suspek ng illegal possession of firearms and ammunitions.

RELATED VIDEO:
-- Ulat ni Anjo Bagaoisan, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
Tagalog news
krimen
illegal possession of firearms
fake gun
pellet gun
motorcycle rider
police checkpoint
Oplan Sita
arrest
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT