Pag-alis ng buwis sa P90,000 na bonus, lusot sa bicam | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Pag-alis ng buwis sa P90,000 na bonus, lusot sa bicam

Pag-alis ng buwis sa P90,000 na bonus, lusot sa bicam

Sherrie Ann Torres,

ABS-CBN News

 | 

Updated Dec 08, 2017 03:33 AM PHT

Clipboard

Aprubado na sa bicameral conference committee ang hindi pagbubuwis sa 13th month pay at iba pang bonus hanggang sa halagang P90,000.

Ayon kay Sen. Sonny Angara, na namumuno sa mga kinatawan ng Senado sa komite, lumusot na sa bicameral committee na palawigin pa ang kasalukuyang P82,000 tax exemption sa mga bonus.

Pebrero 2015 nang maisabatas ang pinalawig na tax exemption sa bonus mula sa noo'y P30,000, para maging P82,000.

Ngayong lusot sa komite ang P90,000 na tax exemption, inaasahang makatutulong ito para mapalaki pa ang take-home pay ng mga manggagawa dahil aprubado na rin sa komite ang P250,000 income tax exemption para sa lahat ng manggagawa.

ADVERTISEMENT

“Mas malaki 'yong maiuuwi ng mga regular na trabahador tulad natin at palagay ko tulad natin ito ay magiging magandang pamasko 'to sa atin,” ani Angara.

Inaasahang matatapos na ang pagtalakay ng komite sa Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Bill sa Biyernes, Disyembre 8 para maratipikahan na ng Kongreso sa Lunes, Disyembre 11.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.