P250,000 tax exemption para sa lahat, aprubado ng Senado | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
P250,000 tax exemption para sa lahat, aprubado ng Senado

ABS-CBN News
Published Nov 22, 2017 08:57 PM PHT

Kahit magkano pa ang kinikita, awtomatikong P250,000 na ang nakatakdang tax exemption o libreng buwis.

Ito'y matapos palawakin ng mga senador ang sakop ng umiiral na P250,000 tax exemption.

Ipapatupad ang bagong patakaran simula Enero 1, 2018.

Isa ito sa mga pinagtibay ng Senado nitong Miyerkoles, ang unang araw ng pagtalakay sa bagong batas na magtatakda ng mga patakaran sa pagbubuwis simula 2018.

ADVERTISEMENT
TAX SCHEDULE EFFECTIVE JANUARY 18, 2018
NOT OVER 250,000 --- 0%
OVER 250,000 BUT NOT OVER 400,000 --- 20% OF EXCESS OVER 250,000
OVER 400,000 BUT NOT OVER 800,000 --- 30,000 + 25% OF EXCESS OVER 400,000
OVER 800,000 BUT NOT OVER 2 MILLION --- P130,000 + 30% OF EXCESS OVER P800,000
OVER 2 MILLION BUT NOT OVER 8 MILLION --- P490,000 + 32% OF EXCESS OVER P 2 MILLION
Datos mula sa opisina ni Sen. Ralph Recto

Sa pinagtibay ng Senado, ang kumikita ng lampas P250,000 ay pasok din sa tax exemption.

Pero ang sobra sa P250,000 ay papatawan ng kaukalang buwis, gaya halimbawa ng may P400,000 annual income o kita kada taon na dapat magbayad ng 20% buwis.

Ngunit sa ilalim din ng bagong sistema, mawawala na ang dagdag-exemption mula sa mga dependent ng bawat taxpayer.

Ang P250,000 tax exemption ay iba pa sa umiiral na libreng buwis para sa mga nakatatanggap ng bonus sa buong taon ng hanggang P82,000.

Samantala, pasok din sa tax exemption scheme ang may mga maliliit na negosyo.

Sinabi naman ni Senador Sonny Angara na mananatili pa rin ang exemption sa value added tax (VAT) sa mga senior citizen, mga taong may kapansanan, at ilang kooperatiba.

Papatawan lang ng VAT ang socialized housing kung nasa P2 milyon ang halaga at sa loob ng Metro Manila bibilhin.

Pag-uusapan pa ng Senado ang usapin ng expanded value added tax sa mga pangunahing serbisyo at produkto, gayundin ang buwis sa asukal at mga produktong petrolyo.

-- Ulat ni Sherrie Ann Torres, ABS-CBN News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT