Resolution para sa Congress-Bangsamoro Parliament Forum, tinanggap sa Senado | ABS-CBN
ADVERTISEMENT
![dpo-dps-seal](https://od2-image-api.abs-cbn.com/prod/Seal_Image_OD.png)
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Resolution para sa Congress-Bangsamoro Parliament Forum, tinanggap sa Senado

Robert Mano,
ABS-CBN News
Published Dec 07, 2022 12:46 AM PHT
![Clipboard](https://od2-image-api.abs-cbn.com/prod/ClipboardNews.png)
MAYNILA - In-adopt sa plenaryo ng Senado nitong Martes ang Senate Concurrent Resolution No. 5 na bubuo ng Philippine Congress-Bangsamoro Parliament Forum.

Layunin ng intergovernmental body na mapaigting ang koordinasyon ng Kongreso at ng Bangsamoro Parliament para mapanatili ang kapayapaan at maitaguyod ang pagpapaunlad ng Bangsamoro region.

Ayon sa sponsor ng resolution na si Senate President Juan Miguel Zubiri, marami pang batas na kailangang maipasa para sa BARMM gaya ng Election Code at Local Governance Code.

Mahalaga aniyang maipasa ang mga ito agad lalo hindi na pwede pa i-extend ang Bangsamoro Transition Authority.
Mahalaga aniyang maipasa ang mga ito agad lalo hindi na pwede pa i-extend ang Bangsamoro Transition Authority.
ADVERTISEMENT
"The establishment of the PCBPF or the forum will allow us to strengthen our coordination with the Bangsamoro Parliament, in aim of discussing and taking swift action on pertinent legislative concerns for the region," ani Zubiri.

Sinabi naman ni Senator Robin Padilla na bagama't magkakaiba sa pananampalataya at magkakahiwalay ang mga isla, iisa pa rin ang hangarin at ito ay mapalago ang Bangsamoro.

"Ikinagagalak ko po na tayo ay narito sa puntong ito na isang patunay na anuman ang ating pagkakaiba sa pananampalataya, hiwa-hiwalay man ang mga pulo sa bansa, gaano man kalayo ang Kamaynilaan sa Katimugan, pinagbibigkis tayo ng iisang hangarin: ang tuluyang buhayin ang ating ipinunlang pangarap na mapalago ang Bangsamoro," aniya.

Co-author sa concurent resolution ang lahat ng mga senador.

KAUGNAY NA BALITA
Read More:
Senado
Bangsamoro Parliament
Congress
BARMM
Bangsamoro
Tagalog news
Senate
Philippine Congress Bangsamoro Parliament Forum
regions
regional news
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT