10 estudyante sinuspende kasunod ng suntukan sa CSA Makati | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
10 estudyante sinuspende kasunod ng suntukan sa CSA Makati

ABS-CBN News
Published Dec 07, 2022 05:02 PM PHT
|
Updated Dec 07, 2022 07:22 PM PHT

Nasa 10 estudyante ng Colegio San Agustin (CSA) Makati ang pinatawan ng preventive suspension habang gumugulong ang imbestigasyon sa insidente ng suntukan sa campus, sabi ngayong Miyerkoles ng tagapagsalita ng paaralan.

Ayon kay CSA Spokesperson Joseph Noel Estrada, hindi pa ito ang mismong sanction o parusa sa mga estudyanteng dawit sa karahasan.

Preventive measure lang aniya ito upang mapigilan ang paglala ng situwasyon at maprotektahan ang mga menor de edad, gayong obligado rin sila at kanilang mga magulang na makipagtulungan sa imbestigasyon.

"Dalawa iyong nagsuntukan based on the video that was circulating. Dalawa sila [who got] into a fistfight, but apparently hindi lang sila iyong involved doon, as there were other students who were also in the CR, who were watching or taking videos," ani Estrada.

ADVERTISEMENT
"We're treating everyone as students and, of course, they'll be given due process. Mayroon naman tayong student handbook that will deal with these matters," dagdag niya.

Inaalam na rin umano ng paaralan kung paano nakapasok ang cellphone na ginamit pangkuha sa viral video ng suntukan at asero o brass knuckle na ginamit ng estudyante.

"The idea of Grade 9 students having knowledge of what brass knuckle is and how they were able to access. Sino'ng nagbenta niyan, saan nakuha iyan is also part of the investigation," ani Estrada.

Nakikipag-ugnayan naman ang Department of Education (DepEd) sa paaralan ukol sa insidenteng tinawag ng ahensiyang "very concerning."

"Ang DepEd ay reasonable supervision and regulation so ang contact natin dito is iyong school mismo. Unlike public schools na tayo mismo iyong nagi-investigate kasi empleyado po natin iyong mga teachers, iyong mga school heads. Pagdating naman po sa private schools, sila po iyong mismong magco-conduct ng investigation," paliwanag ni DepEd Spokesperson Michael Poa.

Ayon kay Poa, mayroong learner rights and protection office ang DepEd, na may email at hotline na puwedeng padalhan ng mga hinaing ukol sa ano mang uri ng karahasan o pang-aabuso sa mga paaralan.

Zero tolerance din aniya ang DepEd laban sa karahasan at nagsasagawa ang ahensiya ng awareness at information drive para hikayatin nag mga biktimang ikuwento ang mga insidente nang walang halong panghuhusga.

Para naman kay Estrada, dapat pagtulungan ng buong komunidad ang pagsugpo sa bullying dahil marami ring dahilan kung bakit ito umuusbong maging sa mga kabataan.

Muli ring umapela si Estrada sa publiko na huwag nang i-share sa social media ang video ng insidente sa CSA, lalo't mga menor de edad ang sangkot.

Mula 2019 hanggang 2022, 1,871 ulat ng pang-aabuos at karahasan ang naitala ng DepEd sa mga paaralan.

— Ulat ni Arra Perez, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
Tagalog news
education
bullying
school violence
Colegio San Agustin
CSA Makati
Department of Education
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT