PatrolPH

Panggugulpi umano ng ilang estudyante sa kaklase sa private school, iimbestigahan

ABS-CBN News

Posted at Dec 06 2022 08:10 PM

Watch more on iWantTFC

Kumalat sa social media ang video ng suntukan ng dalawang estudyante sa loob ng palikuran ng isang paaralan sa Makati. Isa sa mga ito ay nagtamo ng sugat sa ulo matapos umanong gamitan ng brass knuckle ng nakaaway na estudyante. Iniimbestigahan na ang insidente at mino-monitor na rin ng Department of Education. Nagpa-Patrol, Jeffrey Hernaez. TV Patrol, Martes, 6 Disyembre 2022. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.