Mahigit 50 negosyante, tindera sa palengke ng Santiago City, nagpositibo sa COVID-19 | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Mahigit 50 negosyante, tindera sa palengke ng Santiago City, nagpositibo sa COVID-19

Mahigit 50 negosyante, tindera sa palengke ng Santiago City, nagpositibo sa COVID-19

ABS-CBN News

 | 

Updated Dec 08, 2020 06:50 PM PHT

Clipboard

Photo courtesy of CLGU Santiago

Pansamantalang isinara ang New Public Market ng Santiago City sa Isabela ngayong Lunes matapos ang pagkakaroon ng mga positibong kaso ng COVID-19 sa ilang nagtitinda o negosyante doon.

Ayon kay Dr. Genaro Manalo, ang city health officer ng lungsod, nakapagtala ng mahigit 30 bagong kaso ng COVID-19 ngayong araw.

Bukod pa ito sa 20 kasong naitala naman nitong Linggo.

"May nag-positive kasi na tatlo dun sa arcade. So, ang ginawa namin, minass testing namin lahat. May nahuli kaming 20 nga. Tapos sa may mini mart, mayroon din kaming tinest dun na 100. May lumabas na 30 plus," ani Manalo.

ADVERTISEMENT

"Dumarami ang cases. Pero, ibig sabihin, nakuha namin lahat. Hindi yung bigla na lang lumabas na hindi namin alam. Mas maganda na yung nakuha namin lahat, na-trace namin yung magkakasama. Local transmission na, kasi naghalu-halubilo na sila eh. Naiko-connect pa naman namin sila hanggang ngayon," dagdag niya.

Watch more in iWantv or TFC.tv

Nagsagawa ng mass testing sa mga negosyante sa New Public Market matapos na unang magpositibo ang tatlong tindera sa arcade building.

Nasa quarantine facility na ang ilan sa mga pasyente, habang ang iba ay pinag-self isolate sa kanilang mga bahay dahil pawang asymptomatic o wala umano silang nararanasang sintomas.

Puspusan ang contact-tracing sa mga nakasalamuha ng mga nagpositibo ng COVID-19.

Pinalawig din ng tatlong araw hanggang December 10 ang lockdown sa New Public Market para sa ginagawang disinfection.

Bukas naman ang Old Public Market at ibang bilihan sa lungsod.

Pero pinakikiusapan ang mga residente at negosyante na ugaliing sumunod sa mga safety health protocols, gaya ng pagsusuot ng facemask at faceshield, maging pagsunod sa physical distancing.

Sa ngayon, mayroong mahigit 60 aktibong kaso ng COVID-19 sa lungsod ng Santiago.

Umabot naman ang kabuuang bilang ng kaso sa mahigit 270, kung saan 209 dito ay nakarekober habang ang isa naman ay namatay.

KAUGNAY NA VIDEO

Watch more in iWantv or TFC.tv

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.