Lalawigan ng Dinagat Islands magsasara ng 30 araw para sa frontliners | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Lalawigan ng Dinagat Islands magsasara ng 30 araw para sa frontliners

Lalawigan ng Dinagat Islands magsasara ng 30 araw para sa frontliners

ABS-CBN News

Clipboard

DINAGAT ISLANDS — Magsasara sa loob nang 30 araw ang buong lalawigang ito, mula Disyembre 9 hanggang Enero 8 ng susunod na taon, para umano hindi na kumalat pa ang COVID-19 at makahinga naman ang frontliners ngayong holiday.

Base sa resolusyong inilabas ng League of Municipalities, sinabi nilang marami pa kasing naka-quarantine sa Care and Containment Centers ng Dumagat Islands.

Ang pagsara ng probinsya ay paraan upang makalabas na
ang mga naka-quarantine pagkatapos ng 14-day period; para gumaling ang mga active cases; para mabigyan din ng pagkakataon ang mga frontliners na makapagpahinga; at para ma-disinfect ang Care and Containment Centers.

Nakasaad din sa resolusyon na hindi papayagan ang pagpasok ng mga indibidwal sa Dinagat, maliban na lang sa mga taong may medical emergencies, may ibinibiyaheng goods, at mga may transaksyon sa bangko at iba pang pinansyal na institusyon.

ADVERTISEMENT

Ang mga residente ng Dinagat ay papayagang makalabas ng probinsya basta mag-comply sa requirements gaya ng
travel authority at medical certificate mula sa health officer ng lungsod o sa probinsya.

Hinikayat din ng probinsya ang mga residente na iwasan ang mag-backdoor entry dahil hindi namo-monitor ang mga indibidwal na papasok.

—Ulat ni Lorilly Charmane Awitan

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.