Recycling hinikayat para iwas-kalat sa Kapaskuhan | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Recycling hinikayat para iwas-kalat sa Kapaskuhan

Recycling hinikayat para iwas-kalat sa Kapaskuhan

ABS-CBN News

Clipboard

Tuwing matatapos ang kasiyahan at pagdiriwang sa Pasko, sandamakmak na basura ang nadadatnan sa mga pasyalan.

Karamihan sa mga naiiwang basura ay mga pinagkainang pinggan, disposable na kubyertos at mga plastik.

Kada taon, mas maraming basura ang nakokolekta tuwing sasapit ang Kapaskuhan.

Tantiya ng environmental group na EcoWaste Coalition, mula 0.7 kilo ay umakyat na sa 1.2 kilong basura ang itinatapon ng bawat tao kada araw sa Metro Manila.

ADVERTISEMENT

Para mabawasan ang tambak na basura, hinikayat ng EcoWaste Coalition ang publiko na matutong mag-recycle o muling gamitin ang ilang kalat.

Payo ni Daniel Alejandre na miyembro ng grupo, maging malikhain para magkaroon ng bagong anyo at kabuluhan ang basura.

Halimbawa niya ang paggawa ng parol o Christmas tree gamit ang mga bote.

Suliranin sa pagbubukod

Isa rin sa nakikitang problema ng EcoWaste ay ang maling paraan ng waste segregation o pagbubukod sa mga basura.

Madalas kasi ay magkakahalo ang mga nabubulok at hindi nabubulok na basura.

Sa inaasahang pagdagsa ng mga tao sa mga pampublikong pasyalan sa panahon ng Pasko at Bagong Taon, panawagan ng EcoWaste Coalition na maging responsable sa sariling kalat.

Payo nila'y magdala ng trash bag at tiyaking itatapon o itatago ng maayos ang mga pinagkainan.

-- Ulat ni Raphael Bosano, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.