Pagbabawal ng motorsiklo sa EDSA pag-aaralan | ABS-CBN
Pagbabawal ng motorsiklo sa EDSA pag-aaralan

ABS-CBN News
Published Dec 07, 2017 07:26 PM PHT
|
Updated Dec 07, 2017 08:45 PM PHT
![Clipboard](https://od2-image-api.abs-cbn.com/prod/ClipboardNews.png)
Inatasan ng Metro Manila Council (MMC) ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na pag-aralan ang posibilidad na ipagbawal ang mga motorsiklo sa EDSA.

Dahil umano ito sa madalas na aksidente sa pangunahing lansangan na karaniwan ay kinasasangkutan ng mga naka-motorsiklo.

Kada aksidente, tutukod ng lagpas 30 minuto hanggang isang oras ang trapiko sa EDSA.

"National road ang EDSA. Mayroon tayong batas na kapag national road, bawal ang tricycle, bawal ang motorsiklo. So ano 'yong puwedeng alternative?" pahayag ni Quezon City Mayor Herbert Bautista, pangulo ng MMC.

ADVERTISEMENT
"Kung talagang mahihirapan tayo at sagabal ang mga motor, puwede silang i-ban na lang sa EDSA," ani MMDA Assistant General Manager Jojo Garcia. "Puwede silang dumaan sa mga side street."

"Kailangan iyang i-plantsa ng maigi bago magpatupad ng isang polisiya ulit," paglilinaw ni Garcia.

Sa datos ng MMDA noong 2016, halos 70,000 ang karaniwang bilang ng mga motorsiklong bumabaybay sa EDSA, isang lansangan na nagdurugtong sa ilang siyudad sa Metro Manila, mula Pasay City hanggang Caloocan City.

Bagama't panukala pa lang, natutuliro na ang ilang motoristang gumagamit ng motorsiklo sa pagbiyahe sa EDSA.

Isa na rito si Jerby Reyes.
Isa na rito si Jerby Reyes.
"Para namang hindi makatarungan 'yong gagawin nila," ani Reyes.

Dagdag ni Reyes, maghahanap na lang siya ng alternatibong ruta kahit panibagong sakit sa ulo na naman ito para sa mga kagaya niya.

Problema sa HOV lane
Pinaghahandaan naman ng MMDA ang mga pasaway na motorista na susubukang ikutan ang panukalang "high occupancy vehicle (HOV) lane."

Sa ilalim ng panukala, ipagbabawal sa innermost left lane o ikalimang lane ng EDSA ang mga sasakyang ang nagmamaneho lang ang sakay.

Isa sa mga nakikitang suliranin ang mga sasakyang "tinted" o madilim ang salamin kaya posibleng hindi makuhanan ng mga gagamiting CCTV camera ang sakay nito.

"'Pag malayo ang camera, of course 'di mo kita 'yan," ani Garcia.

Pero gagamit din umano ang ahensiya ng handy camera na itatalaga sa mga footbridge.

Armado na rin ng body cameras ang mga traffic enforcer na nakatalaga sa EDSA.

Nasa 20 high-definition body cameras ang natanggap ng MMDA mula sa isang pribadong kompanya na magagamit para i-rekord lahat ng operasyon at hulihan sa kalsada.

Sa Lunes idaraos ng MMDA ang dry run para sa HOV lane.

-- Ulat ni Doris Bigornia, ABS-CBN News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT