Mga bangkay, buto mula sementeryo sa Matnog inanod sa dagat dahil kay 'Tisoy' | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Mga bangkay, buto mula sementeryo sa Matnog inanod sa dagat dahil kay 'Tisoy'

Mga bangkay, buto mula sementeryo sa Matnog inanod sa dagat dahil kay 'Tisoy'

ABS-CBN News

 | 

Updated Dec 06, 2019 08:47 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

MATNOG, Sorsogon — Umaga nitong Biyernes, matiyagang biniyahe ng mga tauhan ng municipal health center ang isla-barangay na Coron-Coron matapos ang nakababahalang ulat.

Mahigit isang oras ang biyahe paisla pero nais makumpirma ni Dra. Rossana Galeria ang report na may mga naglabasang bangkay sa mga nitso matapos ang pananalasa ng bagyong Tisoy sa rehiyon.

Papunta sa barangay, kita ang bakas ng pinsala ng bagyo sa tabing dagat. Sa malayo ay tanaw na ang mga nasirang nitso.

Kuwento ng mga residente, aabot sa 50 nitso ang nasira at napadpad sa dagat. May mga buto rin sa tubig.

Ayon sa chief tanod ng Barangay Coron-Coron, apat na bangkay ang inanod sa barangay. Agad naman nila itong inilibing pero naniniwala siyang marami pang bangkay sa dagat.

Takot na tuloy kumain ng isda ang mga residente gaya ni Estella Gamba, na nagtiyaga na lang sa sardinas at pansit bilang ulam.

ADVERTISEMENT

"'Yung asawa ko hindi na lumaot kasi ayaw nang kumain ng isda."

Abiso ni Galeria sa mga residente, kunin ang mga nagkalat pang buto at ilibing.

Pinagbawalan niya rin munang maligo sa dagat at kumain ng isda ang mga residente.

"Puwede siya ditong magdala ng sakit, water-borne diseases," anang doktora.

Ang Bicol region ang pinakahinambalos ng bagyong Tisoy, na itinuturing na pinakamalakas na bagyo sa Pilipinas nitong 2019.

-- Ulat ni Jose Carretero, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.