4 na bahay nasunog sa Baguio City | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

4 na bahay nasunog sa Baguio City

4 na bahay nasunog sa Baguio City

Justin Aguilar,

ABS-CBN News

 | 

Updated Dec 05, 2018 01:40 PM PHT

Clipboard

Apat na bahay ang nasunog nang sumiklab ang apoy sa Barangay Scout Barrio sa Baguio City. Justin Aguilar, ABS-CBN News

BAGUIO CITY - Nabalot ng makapal na usok ang ilang bahay sa Barangay Scout Barrio sa lungsod na ito matapos masunog ang apat na bahay sa lugar, Miyerkoles ng umaga.

Nag-umpisa ang apoy sa nakasaksak na washing machine sa bahay ni Jessie Lopez.

"'Yung washing machine nakaandar, siguro doon galing kasi 'yung usok at apoy. Ang bilis, plywood," ayon kay Lopez.

Walang naisalbang kahit isang gamit ang pamilya. Nadamay pati ang tatlo nilang katabing mga bahay.

ADVERTISEMENT

"Ang hirap pala ng ganito sabi ko, mas okay palang manakawan, ‘wag lang masunugan," sabi ni Loring Manuela Lacanlale, may-ari ng nadamay na bahay.

Tumagal ng 30 minuto bago nagdeklara ng fire out ang mga bombero.

"'Yung suspected na cause po ng sunog natin is electrical appliance na nakasaksak so paalala natin sa mga publiko, kung ‘di ginagamit, alisin sa pagkakasaksak," sabi ni Fire Chief Insp. Nestor Gorio, City Fire Marshall ng Baguio Fire Department.

Aabot sa higit P300,000 ang halaga ng pinsala sa sunog.

Ito na ang ika-40 na structural fire sa Baguio City ngayong taon.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.