2 'holdaper', tiklo sa Las Piñas | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
2 'holdaper', tiklo sa Las Piñas
2 'holdaper', tiklo sa Las Piñas
Anjo Bagaoisan,
ABS-CBN News
Published Dec 05, 2017 05:39 AM PHT

Arestado ang dalawang lalaki matapos umano silang mangholdap ng isang pasahero ng jeep sa Las Piñas Lunes ng gabi.

Kinilala ang dalawa na sina Louie Cabangal, 18-anyos, at ang kasamahan nito na 17-anyos.

Kwento ni alyas Suzy, hinablot ng menor de edad ang kanyang cellphone mula sa labas ng jeep habang nakatigil ito sa Barangay Almanza Uno.

Nang subukan niyang habulin ang suspek ay hinarang siya sa baba ni Cabangal na nanutok umano ng kutsilyo sa kanya. Pauwi na sana si Suzy galing trabaho.

Napasigaw ang biktima na narinig ng mga rumorondang pulis ng Las Piñas Police Community Precinct 7. Nahuli ang mga suspek matapos silang harangin ng taumbayan.

Ayon kay PO2 Ronald Sabornido, dati nang sangkot sa pagnanakaw ang menor de edad na suspek.

Tumanggi namang magbigay ng pahayag si Cabangal nang tanungin ng ABS-CBN News.

Dinala sa Las Piñas police headquarters si Cabangal habang itinurn-over ang kasamahan niya sa Department of Social Welfare and Development.