Tulong hiling ng mga nasalanta ng bagyo sa CamSur | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Tulong hiling ng mga nasalanta ng bagyo sa CamSur

Rizza Mostar,
ABS-CBN News
Published Dec 04, 2019 05:39 PM PHT

Sa gitna ng pananalasa ng bagyong Tisoy, umaasa ang mga apektadong pamilya sa Camarines Sur na makararaos din lalo na’t papalapit na ang Pasko.

Suwerte ang pamilya ni Nancy Carcido na bagama’t walang natira sa kanilang bahay sa bayan ng Lupi, ligtas ang anim sa kanilang nakatira doon dahil maagang lumikas.

"Umalis kami kasi alam naming delikado. Sana matulungan kami kasi walang natira sa amin," pakiusap ni Carcido.

Nagsisimula pa lamang lumakas ang bagyong Tisoy nang bumigay ang malaking bahagi ng lupa sa Sooc sa bayan ng Lupi.

ADVERTISEMENT
Nadaganan ng lupa na may mga tanim na kawayan ang bahay nina Carcido.

Inihahanda naman ng barangay ang listahan ng mga nasalanta para madaliin ang tulong mula sa lokal na pamahalaan.

Anim ang naitalang labis na napinsalang mga bahay sa lugar.

Sa bayan ng Libmanan, namatay ang isang binata matapos makuryente habang nag-aayos ng bahay bago dumating ang bagyo.

Idineklara siyang dead on arrival sa ospital. Naulila niya ang inaalagaang lola.

Samantala, wala pa ring kuryente sa probinsiya kaya pahirapan din ang suplay ng tubig.

Ang iba ay umaasa sa bukal kung saan din sila kumukuha ng inuming tubig.

"Nag-ipon kami bago pa ang bagyo, mga 3 drum 'yon, matagal-tagal na rin 'yun," ayon sa residenteng si Belen Olili.

Ang mga residente naman sa bayan ng Milaor, tinatawanan na lang ang pagbaha sa kanilang lugar.

"Sanay na sanay na ho kami, masaya na rin kasi buhay kami," ayon kay Milagros Bisaya.