Nasalanta ng kalamidad? GSIS, SSS, ibang bangko may alok na 'calamity loans' | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Nasalanta ng kalamidad? GSIS, SSS, ibang bangko may alok na 'calamity loans'

Nasalanta ng kalamidad? GSIS, SSS, ibang bangko may alok na 'calamity loans'

Joyce Balancio,

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA — May mga pang-agapay ang Social Security System (SSS), Government Service Insurance System (GSIS) at iba pang financial institutions para makabangon ang mga Pinoy na naperwisyo ng bagyo o ano mang sakuna.

Muling iniaalok ng GSIS ang kanilang emergency loan at finance assistance loan para sa kanilang mga miyembro na mga taga-gobyerno.

Aabot aniya sa hanggang P20,000 ang maaaring utangin na babayaran sa loob ng 3 taon sa interest rate na 8 porsiyento kada taon.

Iyon nga lang, kailangan deklarado ng national o local government ang state of calamity sa lugar na kinatitirikan ng tahanan para makapag-loan sa GSIS.

ADVERTISEMENT

Kailangan din na kumuha ng request mula sa Sanggunian na humihiling na aprubahan ng GSIS ang nasabing pautang.

"The emergency loan program was given to those residing, working in affected areas of the calamity... Andiyan rin po ang aming traditional products na general insurance, and for those not in the calamity zones, andyan rin ang GSIS financial assistance loan," paliwanag ni GSIS Senior Vice President Joseph Philip Andres.

Ang SSS naman, may alok ring 3 special calamity package.

Ito ay ang calamity loan assistance, na katumbas ng isang buwang pautang na maaaring bayaran sa loob ng 2 taon sa interest rate na 10 porsiyento.

Maaari rin mag-advance nang 3 buwan na pensiyon, o di kaya ay i-avail ang direct house repair moratorium program.

ADVERTISEMENT

"Ngayon po ay may ongoing program para sa mga nasalanta ng earthquake sa Mindanao. Ito po ay ongoing starting November 18 up to February 20, 2020. Ongoing [din] iyong mga nangyari sa bagyong Tisoy," sabi naman ni SSS Assistant Vice President for Member Loans Department Boobie Angela Ocay.

May ibang lending institutions rin ang nag-aalok ng pautang.

Gaya ng Land Bank of the Philippines na may calamity rehabilitation support program na may livelihood financing at iba pa.

Sakop nito ang mga biktima ng natural at maging man-made disasters.

Mayroon silang packages na mas mahaba ang panahon ng pagbabayad at maaaring umabot ang annual interest sa 5 porsiyento para sa mga magsasaka, at 6 porsiyento para iba pang uutang.

ADVERTISEMENT

Ang PhilGuarantee Corporation rin, hinihikayat na subukan ang kanilang loans para sa mga negosyanteng nangangailangan ng financial assistance.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.