Albay isinailalim sa state of calamity

Karren Canon, ABS-CBN News

Posted at Dec 04 2019 11:55 AM

Binaha ang ilang lugar sa Legazpi City, Albay dahil sa pananalasa ng bagyong Tisoy. Karren Canon, ABS-CBN News

Isinailalim na sa state of calamity ang probinsiya ng Albay Miyerkoles ng umaga dahil sa pinsalang naidulot ng bagyong Tisoy. 

Naipasa na ng Sangguniang Panlalawigan ang resolusyon kung saan maaaring magamit ng lokal na pamahalaan ang 30-percent sa 5-percent ng calamity fund ng probinsiya para sa disaster response and recovery activities.

Ito ay tugon sa sulat na ipinadala sa Sangguniang Panlalawigan ni Albay Governor Al Francis Bichara noong Lunes, ilang oras bago pa man manalasa ang bagyo sa probinsiya.

Ayon kay Dr. Cedric Daep ng Albay Public Safety and Emergency Management office, karamihan sa napinsala ng bagyo sa Albay ay ang sektor ng agrikultura at mga bahay.

Posibleng mailabas naman ang resulta ng kabuuang damage assessment ngayong Miyerkoles.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.