4 vendors ng ilegal na paputok inaresto sa Divi | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

4 vendors ng ilegal na paputok inaresto sa Divi

4 vendors ng ilegal na paputok inaresto sa Divi

ABS-CBN News

 | 

Updated Dec 04, 2019 07:51 PM PHT

Clipboard

Kahon-kahon ng mga ilegal na paputok ang nakumpiska ng awtoridad sa ilang vendors sa Divisoria, Maynila. Screengrab

MAYNILA — Timbog ng mga operatiba ng Manila City Hall ang ilang tindero sa Divisoria na ikinukubli ang mga tinda nilang ilegal na paputok sa mga laruang pambata.

Nilusob nitong Miyerkoles ng Manila City Hall-Task Force Malasakit ang ilang puwesto sa Divi, kung saan nadiskubre ang kahon-kahong piccolo, baby rocket, spinner, mini sinturon ni Hudas, at isang ipinangalan pa kay boxing champ Manny Pacquiao.

Watch more in iWantv or TFC.tv

Itinatago ito sa mga torotot at iba pang mga laruan.

"Hinalo nila sa mga laruang pambata. Pero sa ilalim andon 'yung mga ilegal... May baby rocket, may lusis, golden spinner, at mini version ng sinturon ni hudas," sabi ni Ernesto Manaois, hepe ng Task Force Malasakit.

ADVERTISEMENT

Ang Task Force Malasakit ang grupong inatasan ni Manila Mayor Isko Moreno na magpanatili ng peace and order at sugpuin ang mga nandaraya at mapagsamantalang vendors.

Apat ang arestado, 3 dito ay mga menor de edad pa.

"Pangkain lang po," depensa ng isa sa mga nahuli.

— Ulat ni Zyann Ambrosio, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.