BuCor officer, tinambangan sa Muntinlupa | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
BuCor officer, tinambangan sa Muntinlupa

ABS-CBN News
Published Dec 04, 2018 02:08 AM PHT
|
Updated Sep 02, 2019 03:17 PM PHT

MAYNILA - Patay ang isang tauhan ng Bureau of Corrections (BuCor) matapos tambangan ng riding-in-tandem sa Muntinlupa City Lunes ng hapon.

Nagtamo ng tama ng bala sa ulo si Chief Insp. Angelito Padilla.

Ayon kay Senior Supt. Gerardo Umayao, hepe ng Muntinlupa City police, galing ang biktima sa National Bilibid Prison at papunta sa National Road sakay ng kaniyang kotse.

Pagdating nito sa palengke ng Poblacion ay dumating ang riding-in-tandem at saka pinagbabaril ang biktima pasado alas-3 ng hapon.

ADVERTISEMENT
Agad na tumakas ang mga salarin habang isinugod naman sa ospital si Padilla. Makalipas ang ilang oras, binawian rin ito ng buhay.

Palaisipan pa sa pulisya ang motibo sa pamamaslang. - ulat ni Ron Lopez, Jerome Lantin, at Ernie Manio, ABS-CBN News

Read More:
PatrolPH
Tagalog news
TV Patrol
crime
shooting
ambush
riding-in-tandem
Bureau of Corrections
BuCor
Muntinlupa City
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT