4 carnapper, nanlilinlang ng mga TNVS driver, arestado | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
4 carnapper, nanlilinlang ng mga TNVS driver, arestado

ABS-CBN News
Published Dec 04, 2017 11:33 PM PHT

Inaresto ng Manila Police District (MPD) Anti-Carnapping Division nitong Linggo ang apat na suspek na nagpapanggap na mga pasahero ng transport network vehicle services (TNVS) upang mantangay ng mga sasakyan.

Nakuhanan pa ng isang CCTV sa Maynila ang mga lalaki habang isinasagawa ang kanilang modus noong Nobyembre 14.

Sa kuha ng CCTV sa Ermita, makikitang sumakay ang tatlong suspek mula sa isang hotel patungo sa kanilang drop-off point o destinasyon sa Pandacan.

Pero pagdating sa M. Guanzon Street sa Pandacan, nakuhanan ng CCTV ang pagbaba at paglipat sa driver's seat ng suspek na umupo sa harap.

ADVERTISEMENT
Ayon sa tsuper, tinutukan siya ng baril ng isa pang suspek.

Tinangay ng mga suspek ang sasakyan matapos pababain ang tsuper, na agad humingi ng tulong sa mga tao at dumadaang sasakyan.

Nakipag-ugnayan ang mga tauhan ng Manila police sa Grab Philippines para matugis ang mga suspek.

Natuklasan ng Manila police na sa Pandacan madalas napuputol ang locator ng mga na-carnap na sasakyan, na pawang mga TNVS.

Doon kasi tinatanggal at sinisira ng mga suspek ang SIM card na gamit ng mga biktimang tsuper.

Nadiskubre rin ng mga awtoridad na malapit lang sa Pandacan nakatira ang mga suspek.

Ayon kay Senior Inspector Fernildo De Castro, hepe ng MPD Anti-Carnapping Division, gumagawa ng pekeng email at Facebook account ang mga suspek na ginagamit nila para makapag-book ng Grab at Uber.

Inamin naman ng mga suspek na binebenta nila ang mga kotse sa isang buyer mula Cavite.

Kakasuhan ng robbery at carnapping ang mga suspek.

-- Ulat nina Zyann Ambrosio at Oman Bañez, ABS-CBN News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT