Unang face-to-face DOLE job fair sa pandemya mag-aalok ng 8k trabaho | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Unang face-to-face DOLE job fair sa pandemya mag-aalok ng 8k trabaho

Unang face-to-face DOLE job fair sa pandemya mag-aalok ng 8k trabaho

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

MAYNILA — Nasa 8,000 trabaho ang iaalok sa nationwide job fair ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa susunod na linggo at sa unang pagkakataon mula nang magkaroon ng pandemya ay magkakaroon ng limited face-to-face application.

Isa sa mga balak mag-apply ang college student si Alyssa Alamin, na gusto nang magtrabaho para makatulong sa pamilya na naapektuhan din ng pandemya.

"Mas mahirap pag online application, parang hindi mo masasabi 'yung gusto mong sabihin," aniya.

Dahil sa mga katulad na hinaing, gagawing online at face-to-face ang anniversary job fair ng DOLE sa susunod na linggo.

ADVERTISEMENT

Ang mga may gusto ng face-to-face application sa NCR, puwedeng mag-register sa jobquest.ph para malaman kung kailan pupunta.

Kailangan pa rin kasing kontrolin ang bilang ng mga tao sa venue.

Iba-iba rin ang schedule kada rehiyon kaya dapat alamin muna ang detalye sa mga DOLE regional office.

"Siguro at a given time, there will be 20 jobseekers na papapasukin po natin sa ating venue and then they will be allowed for about 45 minutes," ani DOLE Assistant Secretary Dominique Tutay.

Karamihan sa 8,000 job vacancies ay sa IT at BPO, pero mayroon na ring lumilitaw na oportunidad sa agrikultura, sales at health sector.

May mga trabaho rin sa ibang bansa para sa mga nurse, baker, auto-mechanic, household service worker at kitchen crew.

Paalala naman ng DOLE, matindi ngayon ang kompetisyon sa dami ng mga jobseeker kaya importante na ipakita ang kakayanang humawak ng iba-ibang uri ng trabaho.

—Ulat ni Zen Hernandez, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.