Buntis, sumagip ng batang nalunod sa Ilocos Norte | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Buntis, sumagip ng batang nalunod sa Ilocos Norte

Denis Agcaoili,
ABS-CBN News
Published Dec 03, 2017 07:34 PM PHT

ILOCOS NORTE - Sinagip ng isang babaeng walong buwang buntis ang batang babaeng nalunod sa Pimentel Dam sa Barangay Pimentel, Batac City Biyernes ng hapon.

Ayon kay Mary Rose Cardenas, narinig niya na tila natataranta ang mga batang naliligo sa dam, na malapit lamangt sa kanilang bahay.

Nang nilapitan niya ang mga ito, nakita niya ang dalawang batang nalulunod, gayundin ang walo pa nilang kasama na pare-parehong hindi na alam ang gagawin.

Agad na nilangoy ni Cardenas ang dalawang batang kinilalang sina Brianna Keira Lumbo at Ricca Mae Marzan, kapwa taga Pinili, Ilocos Norte.

Ayon kay Cardenas, nauna niya naiahon sa tubig si Lumbo, ngunit hindi na niya nakita si Marzan nang balikan niya ito.

"Yun lamang isa ang nahila ko. Noong isunod ko na sana ‘yung isa naman, sakto naman na nalunod na siya, sinubukan ko ring sisirin kaso malabo ang tubig”," aniya.

Narekober ng Batac City Search and Rescue Team ang bangkay ni Marzan matapos ang higit tatlong oras na paghahanap.

Ayon sa rescuer na si Joejiet Labayan, malalim ang tubig sa may bahagi kung saan nalunod si Marzan.

Hirap mang tanggapin ng pamilya ni Marzan ang nangyari, nagpapasalamat sila kay Cardenas sa pagligtas kay Lumbo.

Aminado rin ang pamilya na hindi marunong lumangoy ang biktima.