Unang Pinay Italian bar passer: “Huwag tumigil mangarap” | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Unang Pinay Italian bar passer: “Huwag tumigil mangarap”

Unang Pinay Italian bar passer: “Huwag tumigil mangarap”

Mye Mulingtapang | TFC News Italy

Clipboard

MILAN – Matapos ang tatlong taon ng patuloy na pag-aaral at pagtatrabaho bilang law intern at trainee lawyer, nakapasa noong November 7 sa Italian Bar Examinations si Gillian David.

Siya ang kauna-unahang Pinay sa North Italy na nakapasa sa bar exam sa Italya. Bilang iskolar, nakapagtapos si David ng abogasya bilang cum laude noong 2020 sa Unibersidad ng Milan.

Sa kasalukuyan, siya ay isang Junior Associate sa European Union at Anti-Trust Department ng BonelliErede, isa sa mga pinakamalalaking law firms sa Italya.

1
Gillian David

Lubos ang pasasalamat ni David sa matagumpay niyang pagpasa sa huling bahagi ng dalawang pagsusulit, bago ang pagtanggap sa kanya sa Italian bar.

ADVERTISEMENT

“This is surreal. A lifetime of prayers. Admitted to the Italian bar. Thank you, God!” sabi ni David. Bukod sa kanyang mataas na marka at karangalang natamo sa pag-aaral, malalim ang pinagmulan ng pagpupursigi ni David.

Ang pagiging abogado ay pangarap na hindi natupad ng kanyang ama, dahil kinailangan niyang makipagsapalaran sa Italya para maitaguyod ang kanilang pamilya.

Alay ni David sa mga magulang at kapatid ang bunga ng kanyang pagsisikap. Natutunan ni David ang kahalagahan ng pagtitiyaga at sipag sa trabaho kaya sinikap niyang gamitin ang oportunidad na ibinigay sa kanya na makapag-aral.

2
Gillian David

Kwento pa ng 27-anyos na abogada, pinagsumikapan niya na matupad ang pangarap, pero utang niya umano ito una sa Diyos, sunod sa kanyang pamilya.

“I visualized this for as long as I can remember, and even more intensely the past couple of months. I kept the date of my exams secret from my parents, both the first part in April and the second part last week. I wanted to surprise them, and this is what happened. As the day was getting closer, I started questioning everything: my life choices, and my capabilities. But never have I ever questioned two things: the power of faith and the love of my family,” kwento ni David.

Si David ay isa lang sa maraming second-generation Filipinos sa Italya na piniling magtapos at tahakin ang ibang landas.

Gusto niyang itaas ang tingin ng mga Italyano sa mga Pilipino. Naging tatak na kasi ng mga Pilipino ang pagiging domestic helper, caregiver o factory worker sa Italya.

Ayon sa Ministero del Lavoro e delle Politiche Sociali o Ministry of Labour and Social Policy, may 28.9% ng Filipino community na nasa pagitan ng 18 hanggang 24 anyos ay nasa kategorya ng NEET o "Not in Education, Employment, or Training"

Noong 2021 hanggang 2022, may 992 lang na Pilipinong mag-aaral ang nakasama sa 1.1% ng mag-aaral sa kolehiyo, na nagmula sa non-European countries sa Italya.

Ayon kay David ang kanyang tagumpay ay isang karangalan hindi lang sa kanyang pamilya kundi pati na rin sa Filipino community at sa mga susunod pang henerasyon ng mga Pilipino sa Italya.

Kaya naman hinihikayat niya ang mga kapwa Pilipino na huwang tumigil mangarap at bigyang halaga ang edukasyon. Si David ang ikalawang Pilipino sa Northern Italy na naging abogado, pumasa rin sa Italian bar exam si Atty. Paul Francis Sombilla ng Turin noong 2017.

Ang kwento ni David ay isang magandang halimbawa ng pag-asa at determinasyon sa mga kabataang Pilipino sa Italya.

Nais rin niyang maging daan ang kanyang pagtatapos sa pag-aaral ng abokasya at pagiging ganap na abodago, upang mas dumami pa ang mga kabataan sa Italya na makapag-aral at makapagtapos din sa mga pamantasan sa Italya. Nakatakdang manumpa bilang kauna-unahang Pinay lawyer sa Italya si David sa January 2024.

Para sa mga nagbabagang mga balita tungkol sa ating mga kababayan sa Italy, tumutok sa TFC News sa TV Patrol.

Read More:

TFC News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.