Mga payo sa paggamit ng 13th month pay | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Mga payo sa paggamit ng 13th month pay

Mga payo sa paggamit ng 13th month pay

Vivienne Gulla,

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA –– Sa gitna ng bigayan ng 13th month pay, may payo ang isang financial advisor kung paano ito magagamit nang matalino at wasto.

Ayon kay David Angway, dapat limitahan sa hindi hihigit sa kalahati ng matatanggap na 13th month pay ang pambili ng mga panghanda, panregalo at iba pang gastusin sa Pasko at Bagong Taon.

"If it goes beyond 50 percent, for me, you’re inviting financial disaster. Why? Because you need to pay some certain obligations pa after that. Ang obligation natin hindi natatapos from womb to tomb," sabi ni Angway.

"Okay lang gumastos, okay lang bumili ng bagong phone, okay lang mag-grocery. Pero ang hindi okay ay 'yung maubos lahat ng 'yan dahil sa self-indulgence natin. Kailangan magtira ka rin para sa sarili mo, para may maitanim ka the next time," dagdag ni niya.

ADVERTISEMENT

Kung may utang, mainam aniya na gawing prayoridad ang pagbabayad nito.

"There’s a research that says na those people who have incurring debts, ‘yung sobrang dami ng utang, sobrang dami rin ng pressure nila sa sarili nila," sabi ni Angway.

Ayon pa sa kanya, mas maganda kung gagamitin ang bahagi ng 13th month pay sa iba pang puwedeng pagkakitaan, tulad ng maliit na negosyo o kaya ay i-invest.

Payo rin ni Angway na kumuha ng insurance, para may mapagkukuhanan ng pondo sakaling may magkasakit o mamatay sa pamilya.

"Kung mayroon kang bonus at wala ka naman gaanong kautangan, aggressive strategy is to invest to multiply, and at the same time insurance, to at least prevent you from bleeding, especially in terms of your finances," aniya.

ADVERTISEMENT

Mahalaga rin, ayon kay Angway, na magtabi ng bahagi ng pondo para sa emergency fund.

"Dapat nabubunot 'yan during the emergency, during life and death situation.. Maraming mga tao nag-invest, ang problema walang emergency fund, so ang nangyari ay, they need to sell ‘yung investments nila, just to pay for the cost of the emergency," paliwagan niya.

Paalala ni Angway, ipagpatuloy at hindi lang tuwing may bonus maglaan ng pera para sa ipon at mga oportunidad palaguin ang kita. Pero pag-aralan muna ito, at mag-ingat sa scammers.

Watch more News on iWantTFC

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.