'Ordinansa kailangan para payagan lumabas ang 15 anyos pababa sa GCQ' | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

'Ordinansa kailangan para payagan lumabas ang 15 anyos pababa sa GCQ'

'Ordinansa kailangan para payagan lumabas ang 15 anyos pababa sa GCQ'

ABS-CBN News

Clipboard

Ilang kabataan sa Baseco compound sa Tondo, Maynila. George Calvelo, ABS-CBN News

Mga menor de edad bawal muna sa mall: NCRPO

MAYNILA - Nasa lokal na pamahalaan kung papayagan nila ang mga menor de edad na mas bata sa 15 anyos sa loob ng mga mall sa mga general community quarantine areas, ayon sa Joint Task Force (JTF) COVID shield.

Ayon kay JTF Commander Cesar Hawthorne Binag, kailangan muna magpasa ng ordinansa ang mga lokal na pamahalaan sa GCQ areas, partikular na sa Metro Manila.

Kasunod ito ng mga rekomendasyon ng mga alkalde sa Metro Manila na payagan na sa labas ang mga menor de edad.

Sa loob ng kasalukuyang batas, mga 15 hanggang 65 anyos lang ang pinapayagang lumabas sa bahay.

ADVERTISEMENT

Watch more in iWantv or TFC.tv

"Bale ang pagkakasabi po roon, pinalawak kasi ang alam naman po natin 15 to 65 ang pinapayagan. Below 15 ito ang sinasabi nating minor. Ulitin ko: ito ay kailangang pagtibayin ng ordinansa ng bawat siyudad sa Metro Manila," ani Danao, nang tanungin tungkol sa utos ni Binag.

Matatandaan ding sinabi rin ni Department of the Interior and Local Government chief Eduardo Año na pinapayagan na sa loob ng mga mall sa GCQ areas ang mga 15 anyos pababa basta't kasama ang kanilang mga magulang.

Pero hinimok ni Binag ang mga magulang na kung maaari ay huwag nang dalhin sa mall ang mga bata.

Maaalalang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Martes na panatitilihin sa GCQ ang Metro Manila, Davao City, Iloilo City, Tacloban City, Lanao del Sur, Iligan City, at Davao City hanggang katapusan ng taon. Kalauna'y sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na nasa GCQ rin ang Davao del Norte.

Ang nalalabing bahagi ng bansa, nasa modified GCQ - ang pinakamaluwag sa apat na quarantine classifications na inilatag ng gobyerno kontra COVID-19.

Sinabi sa Teleradyo ni Metro Manila police chief Vicente Danao na bawal pa sa mga mall ang menor de edad sa rehiyon - na episentro ng coronavirus - sa ngayon. 

"'Di pa po allowed yan sa GCQ. We’ll be having a meeting with mall managers na hindi pa rin po ia-allow yung pagpapasok ng non-APOR kasi well be expecting an influx ng mga tao diyan sa loob ng mga malls and other places of convergence," ani Danao.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.