2 rebelde, patay sa bakbakan sa Sarangani | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

2 rebelde, patay sa bakbakan sa Sarangani

2 rebelde, patay sa bakbakan sa Sarangani

ABS-CBN News

Clipboard

SARANGANI PROVINCE – Nalagasan ng dalawang kasapi ang New People’s Army (NPA) matapos na maka-enkuwentro ang tropa ng pamahalaan, Biyernes ng umaga sa bayan ng Alabel.

Ayon kay Col. Roberto Ancan, commander ng 102nd Infantry Brigade, hindi pa natutukoy ang pangalan ng dalawang rebeldeng NPA na nasawi sa sagupaan.

Nakabakbakan ng mga rebelde ang tropa ng 73rd Infantry Battalion sa Sitio Balataan, Barangay Pag-Asa, ala-6:30 ng umaga.

Limang armas rin ang narekober ng mga sundalo.

ADVERTISEMENT

Binansagan na ngayon ng militar ang NPA bilang armed terrorists.

Bahagi na rin daw ito ng kanilang operasyon matapos na kanselahin ng pangulong Rodrigo Duterte ang usapang pangkapayapaan sa pagitan ng gobyerno at ng CPP-NPA-NDF.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.