PatrolPH

Jackpot prize sa 6/58 Ultra Lotto, pumalo na ng mahigit P300 milyon

ABS-CBN News

Posted at Nov 30 2022 01:34 PM

https://sa.kapamilya.com/absnews/abscbnnews/media/2018/sports/10/12/20180928-lotto-bettors-jackpot-md-md2_8286-(1).jpg

MANILA — Pumalo na sa mahigit P300 milyon ang jackpot prize ng Ultra Lotto 6/58 ngayong Miyerkoles.

Ito'y matapos na walang makatama sa winning combination na 38 55-26-32-20-09 sa draw ng nasabing laro nitong Martes ng gabi.

Wala ring nanalo sa mahigit P33.8 milyong jackpot ng 6/42 Lotto. Ang winning combination ng naturang palaro ay 15-37-19-38-16-18.

Nananatiling mailap din ang jackpot sa mga sumusunod na laro ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO):

 

  • 6/55 Grand Lotto (Jackpot: ₱40,652,082.60): 21-32-09-13-40-34
  • 6/49 Super Lotto (Jackpot: ₱15,840,000.00): 04-39-29-05-49-43
  • 6/45 Mega Lotto (Jackpot: ₱41,447,388.40): 25-19-21-06-42-38

KAUGNAY NA VIDEO:

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.