Ilang Pinoy problemado paano iraraos ang Holiday season | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Ilang Pinoy problemado paano iraraos ang Holiday season

Ilang Pinoy problemado paano iraraos ang Holiday season

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

MAYNILA — Walong taon nang nagtitinda ng buko si Jefferson Morado sa kanto ng Manansala at C.P. Garcia sa Quezon City.

Pero dahil sa pandemya, ang dating halos P1,000 kita kada araw, naglalaro na lang ngayon sa P500.

Single parent siya at 2 anak ang umaasa sa kanya. Kaya ngayon pa lang, nagsusubi na siya para sa Pasko.

"Maglaan na lang ng budget para kahit paano may ma-celebrate pa rin 'yung Pasko at bagong taon... May mga kamag-anak naman, puwedeng bumisita makikihanda na lang kung medyo gipit," aniya.

ADVERTISEMENT

Kung tutuusin, masuwerte pa siya kaysa sa jeepney driver na si Jack Adora na hindi pa alam kung paano ipagdiriwang ang Pasko.

"Di umaabot ng P200, [ang kita], mga P130, P140 ganun po ang halos kinikita ko araw-araw... Baka kalimutan muna namin ang Pasko eh kung wala naman talaga kaming panghanda," hinaing niya.

Payo ng financial adviser na si Salve Duplito, maging mas madiskarte para madagdagan ang kita.

"Kung P500 yung kinikita mo kada araw magdagdag ka ng isa pang produkto," aniya.

Mahalaga rin aniya na mag-ipon kahit P25 kada araw. Dapat ring umiwas na umutang at pagkasyahin kung ano lang talaga ang meron.

— Ulat ni Zandro Ochona, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.