Pagtatanim ng kabute, isinusulong bilang tugon kontra climate change | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Pagtatanim ng kabute, isinusulong bilang tugon kontra climate change

ABS-CBN News
Published Nov 30, 2017 12:48 PM PHT

Apektado lahat ng aspeto ng kapaligiran at lipunan dahil sa climate change.

Sa pagtitipon ng mga mananaliksik at ilang propesor mula sa iba-ibang institusyon sa annual scientific conference sa Science City of Muñoz, Nueva Ecija, tinalakay ng isang propesor mula Cornell University sa Amerika ang epekto ng climate change sa ating pagkain at kalusugan.

"Our food is affected, our health, our environment our biodiversity, everything is affected because of climate change...We need to do something," ani Dr. Khin Mar Cho ng Cornell University.

Mushroom farming ang isinusulong ng mga siyentipiko dahil madali itong maka-adapt sa climate change.

ADVERTISEMENT
Mabilis din itong maparami at marami pang health benefits na nakatutulong umano para lumakas ang immune system.

"It's a good source of iron to help avoid anemia...and it's easy to cultivate," ani Cho.

Sa ngayon, may ilang negosyante na ang nagpapadami ng mushroom at nasa merkado na rin ang ibang produkto na kabute ang pangunahing sangkap.

Ibinida ang ilan sa mga ito tulad ng oyster mushroom soap na makatutulong umano para lalong kuminis ang balat dahil may taglay na anti-aging at moisturizer ang kabute.

Meron ding mushroom bagoong at mushroom turmeric na perfect sa mga diabetic.

"Anti cancer kasi ito tsaka walang ibang preservatives or chemical, all natural lang," ani Edil Nobleza Bayot, isa sa mga exhibitor.
Bukod sa mainam na kabuhayan, layon ng mga eksperto na isulong ang sustainability ng mushroom production bilang tugon sa climate change.

--Ulat ni Elaine Fulgencio, ABS-CBN News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT