Mga bakwit, tinuruan ng organic farming | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Mga bakwit, tinuruan ng organic farming

Mga bakwit, tinuruan ng organic farming

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv



Mahigit 5 buwan na mula nang lumikas sa kanilang lugar ang mga residente ng Marawi City dahil sa sumiklab na giyera sa nasabing lungsod.

Pero ngayon, ipinagmamalaki na nila ang mga ani nilang gulay matapos turuan ng organic farming para magkaroon ng hanapbuhay sa isang evacuation center.

Si Sapia Pandapatan, dating may sari-sari store sa Marawi pero mula nang lumikas, natuto siyang magtanim ng gulay kasama ang iba pang evacuees.

"Tinuruan nila kami magtanim muna para habang hindi pa kami makauwi sa mga bahay-bahay may pagkakakitaan kami, hindi puro sardinas, may gulay kayo," kuwento ni Pandapatan.

Mula nitong Agosto, tinuturuan sila ng organic farming ng mga taga-Xavier University.

Isa ang Xavier sa mga tumutulong sa mahigit 400 pamilya na lumikas mula sa barangay Bito Buadi Itowa, Marawi mula nang sumiklab ang gulo.

"It's good because they can eat the products and at the same time they can also have more to sell to other neighbors, to other communities, and this is a very special initiative that we have started," ani Roel Ravanera, Tabang Marawi coordinator ng Xavier University.

Nitong Miyerkoles, ibinida ng mga bakwit ang kanilang mga inaning gulay.

Naghanda rin sila ng Maranao delicacies tulad ng pater, palapa at tagaktak na mabilis pinakyaw ng mga kostumer.

"Tinuruan ko lahat ng mga IDPs (internally displaced persons) doon para yung psychosocial nila ay doon na ma-focus sa pagtatanim," Arais Buyog, isang ring bakwit.

Ngayon na nasa rehabilitation period na ang Marawi, plano ng paaralan na tumulong sa pagbibigay ng hanapbuhay sa mga residente.

Obra para sa Marawi

Samantala, binuksan naman sa Museo de Oro sa loob ng Xavier University sa Cagayan de Oro ang Handuraw Marawi Art Exhibit tampok ang mga obra ng mga Mindanaoan artists at photojournalists.

"I feel grateful to be here because I wasn't really there in Marawi to witness everything that happened there. But being here it's like venturing, taking a glimpse of what has been in Marawi through this kind of arts," ayon kay Therese Mole, estudyente ng unibersidad.

Bukas sa publiko ang exhibit hanggang Pebrero 2, 2018.

--Ulat ni Rod Bolivar, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.