Nagsagawa ng preemptive evacuation ang ilang residente ng Barangay Annafunan East sa Tuguegarao City, Cagayan dahil sa muling pagbaha Sabado ng umaga.
Nangyari ang pagbaha ilang linggo lamang matapos ang pambihirang pagbaha na naranasan sa Cagayan matapos ang pananalasa ng bagyong Ulysses.
Sa larawan na kuha ni Gerald Valdez, Sangguniang Kabataan chair sa barangay, kabilang sa inabot ng baha ang mga bahay sa core shelter.
Muling nakaranas ng pagbaha sa Tuguegarao City matapos ang patuloy na pag-ulan. Larawan mula kay Gerald Valdez

Nalubog na rin sa tubig ang provincial road kasunod ng patuloy na pag-ulan buhat noong Huwebes.
Ayon kay Valdez, mayroon na ngayong 54 families o 213 indibidwal sa evacuation center at patuloy ang paglikas.
Dagdag niya, ang provincial road ay hindi na madaanan at nasa 3 feet na ang lalim ng tubig sa core shelter.
RELATED STORY:
Tuguegarao City floods, Cagayan, baha, Cagayan Valley, weather, Tuguegarao flood, Cagayan flood, site only