Bus sumalpok sa center island; 8 sugatan

Yen Mangompit, ABS-CBN News

Posted at Nov 28 2019 11:37 AM

Iniimbestigahan pa ng awtoridad ang dahilan ng pagkabangga ng bus sa center island sa Barangay Banate sa bayan ng Malungon sa Sarangani. Yen Mangompit, ABS-CBN News

MALUNGON, Sarangani – Walong katao ang nagtamo ng minor injuries matapos na mabangga ang sinasakyan nilang bus sa center island ng tulay ng Barangay Banate sa nasabing bayan, Huwebes ng umaga.

Galing Davao ang Mindanao Star Bus na minamaneho ni Jay Ugbaniel na may sakay na 15 katao, kasama na sila ng kaniyang konduktor.

Kuwento ni Ugbaniel, nakabig niya ang manibela patungo sa kabilang lane para iwasan ang isang baka na biglang tumawid sa kalsada. 

Pero ayon sa pulisya, kanilang iimbestigahan pa kung totoo ang dahilan ng driver o nakaidlip lamang ito.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.