Dating sekyu, lisensiyadong guro na | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Dating sekyu, lisensiyadong guro na

Dating sekyu, lisensiyadong guro na

ABS-CBN News

 | 

Updated Nov 28, 2017 01:59 PM PHT

Clipboard

Labis ang kaligayahan ng 39 taong gulang na guwardiyang si Erwin Macua matapos malaman nitong Lunes na pumasa siya sa licensure examination para sa mga nagnanais maging guro.

"The exam was really hard. I was less studious during my review for I had to juggle the whole-day review and my work as a guard. Prayer was the key," ani Erwin sa panayam ng ABS-CBN News.

(Mahirap iyong pagsusulit. Hindi ako gaanong nagsipag sa pagbabalik-aral dahil kinailangan ko itong isabay sa aking trabaho bilang guwardiya. Dasal ang susi.)

Nagtapos bilang Cum Laude si Macua sa St. Theresa's College, ang paaralang kaniyang pinagtatrabahuhan, noong Marso.

ADVERTISEMENT

Ipinagmalaki din si Erwin ng kaniyang anak na si Jean Vincent, na iskolar din sa isang pribadong paaralan sa Cebu.

"He set a good example to us so hopefully I can follow his footsteps to somehow be successful," ani Jean Vincent.

(Isa siya mabuting halimbawa kaya sana makasunod ako sa mga yapak niya at maging matagumpay.)

Balak ngayon ni Macua na iwanan ang kaniyang trabaho bilang guwardiya.

Pursigido si Macua na makakuha ng trabaho bilang guro sa susunod na taon.

-- Ulat ni Donna Lavares, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.