Arestado ang isang 18-anyos na lalaki matapos gahasain at saktan ang isang 77-anyos na lola sa bayan ng Concepcion, Iloilo noong Lunes.
Sinapamahan na nitong Miyerkoles ng kasong rape with frustrated homicide si John Rey Clamares. Nahuli ito ng pulisya matapos matagpuan ang kanyang tsinelas sa bahay ng biktima.
Sa imbestigasyon ng pulisya, pinasok ng suspek ang matanda sa kanyang bahay at hinampas ng matigas na bagay noong Lunes ng madaling araw. Dalawang lalaki ang nagsilbing testigo sa krimen.
Nanatili naman sa isang ospital sa Iloilo City ang biktima dahil sa natamong sugat sa ulo at pribadong bahagi ng katawan. May mga kagat din ito sa iba’t ibang bahagi ng katawan.
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.