PatrolPH

12 inmate sa Ilocos Norte nagpositibo sa COVID-19

ABS-CBN News

Posted at Nov 26 2020 11:24 PM

12 inmate sa Ilocos Norte nagpositibo sa COVID-19 1
Nasa 12 inmate sa Ilocos Norte ang nagpositibo sa COVID-19, ayon sa mga awtoridad nitong Huwebes.

Nasa 12 inmate sa Ilocos Norte Provincial Jail ang nagpositibo sa COVID-19, ayon sa mga awtoridad nitong Huwebes.

Posibleng nahawaan umano sila sa naunang naitalang 5 empleyado ng INPJ na nagpositibo sa COVID-19.

Naka-isolate na sa bilangguan inmate at kasalukuyang ginagamot.

Sa Biyernes, isasailalim sa modified enhanced community quarantine ang Laoag City hanggang sa ma-contain ang patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 cases.

Tatlong araw namang isasara ang Laoag City Public Market matapos magpositibo ang tatlong fish vendor.

Sasailalim sa disinfection ang palengke mula Nob. 26 hanggang Nob. 28.

Ilan din sa nagpositibo ay mga local resident, government employee at guro.--Ulat ni Dianne Dy

RELATED VIDEO

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.