Ilang mga bolt sa ilalim ng San Rafael Bridge sa Davao, ninakaw | ABS-CBN
ADVERTISEMENT
![dpo-dps-seal](https://od2-image-api.abs-cbn.com/prod/Seal_Image_OD.png)
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Ilang mga bolt sa ilalim ng San Rafael Bridge sa Davao, ninakaw

Berchan Louie Angchay,
ABS-CBN News
Published Nov 26, 2019 08:29 PM PHT
|
Updated Nov 26, 2019 08:56 PM PHT
![Clipboard](https://od2-image-api.abs-cbn.com/prod/ClipboardNews.png)
DAVAO CITY - Nadiskubreng kulang-kulang na ang mga bolts na humahawak sa mga beam ng San Rafael Bridge sa Barangay Maa sa lungsod na ito matapos ang isang inspeksyon sa nasabing tulay Martes.

Sa pag-inspeksyon ng Department of Public Works and Highways (DPWH-XI), 26 na bolts ang nawala sa ilalim ng tulay kaya't delikado kung mag-overload ang tulay.

Sa ngayon, nilimitahan muna sa 15 hanggang 20 tolenadang bigat na mga sasakyan ang pwedeng makadaan sa tulay.

Malaking tulong para sa mga motorista ang San Rafael Bridge, lalo na sa mga dumadaan mula Marfori Heights at Bypass road.

Pero takot at pangamba na ang nararamdaman ng mga residente.

"Nakakatakot syempre kasi maraming tao ang dumaraan doon, lalo na aking anak papuntang eskwela," ani Lito Acebedo, isang residente.

Suspetsa ni Barangay 9-A chairman Tata Llubit, ang mga kabataang tumatambay sa ilalim ng tulay ang maaaring responsable sa pagkuha ng mga bolts sa istraktura.

Kaya pinagbabawal na niya ang pag-iistambay sa lugar.

"Sa ngayon na-identify ng ating mga functionaries at nakita ang mga palatandaan na may mga ninakaw na bolt, damage to public property ito," ani Llubit.

Patuloy ngayon ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente upang matukoy ang mga responsable.