MODUS: Investment app na sa una ay kumikita pero scam pala | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

MODUS: Investment app na sa una ay kumikita pero scam pala

MODUS: Investment app na sa una ay kumikita pero scam pala

ABS-CBN News

 | 

Updated Nov 25, 2022 08:42 PM PHT

Clipboard

Watch more News on iWantTFC

MAYNILA - Isa si 'Paul' sa mga nabiktima sa tinatawag na investment scam, na umano'y nagpapakilalang cryptocurrency app.

"Nag-invest ako, 'yung iba [nag-invest ng] 10 thousand dollars, nagpapasok talaga sila, at first it was going well, but nu'ng [sumubok] na mag-withdraw, ayan na, doon na naglabasan ang red flags," kuwento ni 'Paul,' na nawalan ng P30,000 sa scam.

Noong una raw ay nagmukhang lehitimo ang app na gamit nila dahil may charity events at mga physical meetup.

Tumataas din ang laman ng e-wallet nila sa app at nakaka-withdraw pa noong una.

ADVERTISEMENT

Pero nitong Oktubre, nawala umano ang app na pinaghuhulugan nila ng pera.

Ayon sa cybersecurity analyst na si Art Samaniego, modus ito na kunyari may app at trading pero ang totoo ay scam lang.

Nangyari na rin ito umano sa maraming mga app at website lalo na't may Christmas bonus ang karamihan.

"Nagre-recruit ng mga tao para mag-invest daw. Pero ang investment na ito ang mangyayari kokolektahin lang pera mo tapos mawawala na sila. Maeenganyo ka kasi sasabihin nila kung mas malaki invest mo, mas malalaki makukuha pa, pero isa itong scam," ayon kay Samaniego.

Ayon pa kay Paul, aabot as higit 1,000 ang mga nag-invest sa nasabing app at hindi malayo umanong milyon-milyon ang nakalap ng mga scammer dahil aabot sa P500,000 ang in-invest ng kaniyang mga kaibigan.

Nagbabala na rin ang Securities and Exchange Commission na mag-isip muna bago maglabas ng pera, pag-aralan nang mabuti ang kompanya, alamin ang address, landline number at SEC registration details nito.

Plano ngayon nina Paul na dumulog sa National Bureau of Investigation para maibalik ang perang pinaghirapan nila.

-- Ulat ni Jekki Pascual, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.