Palengke sa Puerto Galera nasunog; halaga ng pinsala halos P14 M | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Palengke sa Puerto Galera nasunog; halaga ng pinsala halos P14 M

Palengke sa Puerto Galera nasunog; halaga ng pinsala halos P14 M

ABS-CBN News

 | 

Updated Nov 24, 2020 02:11 PM PHT

Clipboard

Nasunog ang pamilihang-bayan ng Puerto Galera, Oriental Mindoro noong Nobyembre 23, 2020. Retrato mula kay Angelica M. Gaba

(UPDATE) Sumiklab ang sunog sa pamilihang-bayan ng Puerto Galera, Oriental Mindoro gabi ng Lunes na nag-iwan ng tinatayang P13.8 milyong halaga ng pinsala sa ari-arian, ayon sa mga awtoridad.

Wala namang nasaktan sa sunog.

Ayon kay Fire Officer 1 Stephanie Balen, chief of operations ng Puerto Galera Fire Station, natupok ang unang palapag ng Puerto Galera Public Market building kung saan nakapuwesto ang mga tindahan.

Nagsimula ang sunog pasado alas-9 ng gabi at tumagal nang 2 oras bago maapula.

ADVERTISEMENT

Umabot sa ikaapat na alarma ang pag-responde, kaya nagpuntahan din sa palengke ang mga bombero mula sa mga karatig-lugar na San Teodoro at Baco, at Calapan City.

Nag-igib na rin ng tubig mula sa dagat ang ibang tumulong sa pag-apula ng apoy.

Patuloy na inaalam ng Bureau of Fire Protection ang sanhi ng sunog.

Sa unang pagtataya ng lokal na BFP, nasa P13.8 milyon ang nawasak na paninda, kagamitan, at maging salaping naiwan sa mga kaha sa mga tindahan ng palengke.

Ayon kay Fire Inspector Angellyn Salvador, maaari pang tumaas ang halaga dahil patuloy pang hinihingi ang damage estimate sa mga tindero at tindera.

ADVERTISEMENT

Nasa 33 tenant ang apektado at maging ang isang bahay sa tabi ng palengke.

Video mula kay Angelica M. Gaba

Inihahanda ang pansamantalang pupuwestuhan ng mga tindahan sa grand terminal ng mga tricycle na nasa Poblacion din.

Problema lang umano ng mga manininda ang pagkuha nila ng panibagong puhunan para sa ititinda.

Ayon kay Puerto Galera Mayor Rocky Ilagan, nangako ng pinansyal na tulong si Oriental Mindoro Governor Humerlito "Bonz" Dolor para sa mga nagtitinda.

May ibibigay ring ayuda ang lokal na pamahalaan.

ADVERTISEMENT

Pero ayon kay Ilagan, kailangan din nila ng tulong mula sa national government.

Aminado ang alkalde, tila pangatlong dagok sa kanilang bayan ang sunog, matapos mawalan ng turismo at kabuhayan dahil sa COVID-19 pandemic at nasalanta ng bagyong Quinta at Rolly.

-- Ulat ni Anjo Bagaoisan, ABS-CBN News

Watch more in iWantv or TFC.tv

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.