6 sugatan sa pagsabog sa pagawaan ng paputok sa Lapu-Lapu City

Immae Lachica, ABS-CBN News

Posted at Nov 24 2017 12:25 AM

LAPU-LAPU CITY - Anim ang sugatan nang magkaroon ng pagsabog sa isang pagawaan ng paputok sa Barangay Babag sa Lapu-Lapu City Miyerkoles ng hapon.

Kasama sa sugatan ang tatlong manggagawa at tatlong menor de edad na dumalaw sa kanilang mga magulang sa pagawaan.

Base sa imbestigasyon, naglalaro umano ng pulbura ang biktimang si Jonathan Amistad. Dito nagmula ang apoy na tumupok sa iba pang paputok na nasa pagawaan.

Kabilang sa nasugatan ang asawa ni Jonathan na si Argentina at ang kanilang walong taong gulang na anak.

Naisugod naman sa ospital ang tatlo pang biktimang napadaan lamang sa lugar.

Patuloy pa ang imbestigasyon sa insidente.

Kilala ang mga residente ng Barangay Babag na gumagawa at nagbebenta ng paputok.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.